Baste Duterte, Leni Robredo at Robin Padilla tabla sa unang pwesto sa Senate Preference Survey ng Arkipelago Analytics

Ayon sa pinakabagong Senate election preference survey na isinagawa ng Arkipelago Analytics, tabla sa unang presto sina Baste Duterte, Leni Robredo, at Robin Padilla. Bawat isa sa tatlong kandidato ay nakakuha ng 48 porsiyentong voter preference.
Sa susunod na hanay ay sina Vico Sotto at Loren Legarda, na kapwa nagtala ng 45 porsiyentong voter preference at pumuwesto sa ikaapat hanggang ikalimang ranggo.
Pasok din sina Raffy Tulfo at Alan Peter Cayetano, na parehong nakakuha ng 42 porsiyento at pumuwesto sa ikaanim hanggang ikapitong ranggo.
Bumuo sa top ten sina Pulong Duterte, Francis Escudero, at Mark Villar, na pawang nakapagtala ng 39 porsiyentong voter preference.
Nakumpleto naman nina Jose Sixto Gonzales III “Dingdong” Dantes at Grace Poe ang kasalukuyang top twelve, matapos silang parehong makakuha ng 35 porsiyentong voter preference.
Ipinakita rin ng survey na may ilang kandidato na ilang porsyento lang ang layo sa tinatawag na winning circle. Sina Jinggoy Estrada, Ben Bitag Tulfo, Nancy Binay, Joy Belmonte, at Jose Marie Borja Viceral, o mas kilala bilang Vice Ganda, ay pawang nakakuha ng 33 porsiyento.
Sumunod sina Jimmy Bondoc, Juan Edgardo “Sonny” Angara, at Manny Pacquiao, na nagtala ng tig-30 porsiyento at nasa ika-labingwalo hanggang ika-dalawampung ranggo.
Sina Rex Gatchalian at JV Ejercito ay parehong nakakuha ng 28 porsiyento, habang sina Rowena Guanzon, Mike Defensor, at Bong Revilla ay pawang nagtala ng 27 porsiyento. Sumunod sina Vince Dizon at Ralph Recto na may tig-24 porsiyento, habang sina Benhur Abalos, Franklin Drilon, at Mar Roxas ay kapwa nakakuha ng 21 porsiyento.
Sa mas mababang bahagi ng talaan, sina Gringo Honasan, Francis Tolentino, at Heidi Mendoza ay pawang nakapagtala ng 19 porsiyentong voter preference.
Sumunod naman sina Philip Salvador, Willie Revillame, at Bonifacio Bosita, na may tig-14 porsiyento.
Sina Chel Diokno at Doc Marites Mata ay parehong nakakuha ng 8 porsiyentong voter preference, habang sina Vic Rodriguez at Antonio Trillanes ay kapwa nagtala ng 7 porsiyento.
Sumunod sina Teddy Casiño at Ka Leody de Guzman, na may tig-5 porsiyento.
Sina Pastor Apollo Quiboloy, Teacher France Castro, at Martin Romualdez naman ang kumumpleto sa listahan ng mga kandidatong isinama sa survey, matapos silang pawang makakuha ng 4 porsiyentong voter preference.
Isinagawa ang survey mula Mayo 26 hanggang Hunyo 2, 2026, sa pamamagitan ng harapang panayam sa isang nationally representative sample na binubuo ng 2,637 katao edad 18 pataas. Gumamit ang sampling design ng regional stratification sa lahat ng 18 rehiyon at karagdagang klasipikasyon batay sa urban at rural clusters. Ang national estimates ay may ±2 porsiyentong margin of error sa 96 porsiyentong confidence level, habang ang subnational estimates para sa bawat geographic area ay may ±5 porsiyentong margin of error sa 95 porsiyentong confidence level.
